Muling nakapiling ni Dennis Trillo ang kaniyang mag-inang sina Jennylyn Mercado at Baby Dylan sa Las Vegas, matapos siyang mag-last taping day sa “Maria Clara at Ibarra.”

Sa isang Instagram video, na mapapanood sa Star Bites ng Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita ang bonding moment nina Dennis at Baby Dylan, na super happy sa muli nilang pagkikita.

Hindi maiwasan ni Jennylyn na maging emosyonal habang kinukunan ang mag-ama.

“Let’s go shopping!” birong sabi ni Jen, dahil tila may karelyebo na siya sa pag-aalaga kay Baby Dylan.

Bago nito, isang madamdamin at masigabong palakpakan ang natanggap ni Dennis mula sa kaniyang mga kasamahan sa hit historical portal fantasy series sa kaniyang last taping day bilang si Simoun. —LBG, GMA Integrated News