Inihayag ni Joaquin Domagoso na nakaramdam siya ng takot tungkol sa responsibilidad at kinabukasan ng kaniyang showbiz career matapos siyang maging ama sa murang edad.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, hiningian si Joaquin ng reaksyon noong nalaman niyang magiging ama na siya.

"Sa akin lang natutuwa lang po ako talaga. In my mind I’m was just so happy I’m gonna be a dad, pero ‘yung pressure at papunta na ako as in nandoon na talaga, I only realized, like eight months and nine months, grabe, the responsibility is different. Talagang iiyak na ako,” sabi ni Joaquin.

”Natakot ako po. Who am I? Like I’m so young and, ano ang mabibigay ko sa anak ko at this age, at ano ang mangyayri sa career?,” dagdag pa ng aktor.

Para kay Joaquin, gusto niya lamang maging isang regular na aktor at hindi isang matinee idol, at ayaw niyang madismaya ang kaniyang fans.

“Takot na takot po ako. Because when my fans see me kung bakit ito ‘yung parang ginagawa na matinee idol or something, siya ‘yung next bida. But for me I just wanted to do acting, I want to be an actor, I don’t want to disappoint anybody.”

“And when they found out, naramdaman ko po na maraming nag-unfollow sa akin,” pagpapatuloy ni Joaquin.

Dahil dito, nagpahinga raw muna siya.

“What then happened afterwards was maraming pumasok, ‘yung mga totoo na tunay na fans ko na sinusuportahan ako dahil nakita nila na mabait at natakot talaga ako at gusto ko lang magpatawa ng tao, that’s who I am and that’s what I want to be as an artist,” kuwento niya.

Nang tanungin ni Tito Boy si Joaquin kung kumusta na ang kaniyang pakiramdam, tumugon ang binata na  “Okay na okay na. I’m happy.”

Inilarawan ni Joaquin kung sino sa kaniya si Raffa, ang ina ng kanilang anak.

“[She’s ] my long-time best friend. We’ve been friends for almost, this year counting six na. I know her ex boyfriends, she knows my ex girlfriends, that’s how close we are,” paliwanag niya.

“She is the one?” diretsahang tanong ni Tito Boy.

“She is the one,” tugon ni Joaquin. -- FRJ, GMA Integrated News