Inihayag nina Iya Villania at Drew Arellano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng oras para sa sarili kahit mag-asawa na.

Sa bahagi ng clip ng kanilang podcast na "Life with the Arellanos" na naka-post sa Instagram, ipinaliwanag ni Iya na, "Because if you can give yourself 'me time,' obviously, that's you giving value to yourself."

"If you give importance also to 'our time,' or your time to your partner, it means you're giving value to that person. And with value, I think also comes the respect," patuloy niya. "I think the respect for one another is something that helps build the strong foundation."

Inihayag din ni Drew na nais ng mga bata na makita ang kanilang mga magulang na nirerespeto ang isa't isa.

Ayon kay Iya, "You can't expect your kids to be respectful if..."

"If you guys aren't respectful to one another," pagpapatuloy ni Drew.

 

 

Taong 2014 nang magpakasal sina Iya at Drew, at mayroon na silang apat na anak ngayon na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Kamakailan lang, biniro nila ang kanilang mga tagasuporta sa pagkakaroon ng baby no. 5. —FRJ, GMA Integrated News