Kinoronahan bilang Miss World Philippines 2019, sinagot ni Michelle Dee ang tanong kung nagbabalak siyang muli na sumali sa beauty pageant.

Sa panayam sa kaniya ng Kapuso Showbiz News, inilahad ni Michelle ang kaniyang hugot sa kaniyang “#deepatapos.”

“Ever since my pageant journey, actually ‘yung hashtag ko has always started with #deepatapos. Kaya naging #deepatapos, sinarado ko roon because I think I wanted to portray a lot of different things. One is, my desire to join if I can. And two, I wanted to use it to do some good sana also because umingay siya,” saad ni Michelle.

Binanggit ni Michelle ang mga natanggap na pagpuna ng pamunuan ng Miss Universe dahil sa naging resulta ng pageant, kung saan kinoronahan ang Filipino-American na si R'Bonney Gabriel bilang Miss Universe 2022.

“And I did want to take the opportunity to change the narrative and focus on the good,” sabi ni Michelle.

Sumali si Michelle sa Miss Universe Philippines 2022 at nirepresenta ang Makati. Wagi siya ng anim na awards, kabilang ang Miss Kumuniverse title nang makakuha ng pinakamataas na bilang ng diamonds mula sa users ng app.

“Pageantry kasi it’s really a platform to voice out ‘yung concerns mo or the things that you want to advocate for. And for me I’ve always wanted to use it for positivity,” sabi ni Michelle.

Sinagot ni Michelle kung may plano siyang sumali ulit sa mga beauty pageant.

“Alam ko na ‘yung kasunod na question diyan is if sasali na ako. The answer is, if I want to, yes. Can I? We’ll see,” saad niya. —LBG, GMA Integrated News