Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong si Jeric Gonzales kung nagbalikan na ba sila ni Rabiya Mateo?

Sandaling nag-isip ang binata bago nito binitawan ang sagot na hindi pa.

“Hindi pa po. Getting there,” nakangiting pahayag ni Jeric.

Tinanong muli ni Tito Boy na kung sa one to 10, nasaang grado ang estado ng pagbabalikan nila ni Rabiya.

Sa unang sagot, six ang binanggit ni Jeric pero iniakyat niya sa eight nang muling tanungin ng King of Talk.

“Uulitin ko ulit. One to 10. Six lang ba, o seven o eight?” tanong ni Tito Boy.

“Eight,” natatawang sagot ni Jeric.

Inamin din ni Jeric sa “Fast Talk” segment, na niligawan niya si Klea Pineda, na leading lady niya sa dating Kapuso afternoon series na “Magkaagaw.”

Inihayag din ng aktor na mas pipiliin niya ang morena kaysa mestiza, “universe” kaysa “world,” at si Rabiya kaysa sa Rihanna. --FRJ, GMA Integrated News