Nagbigay ng maigsing pahayag si Kylie Padilla kaugnay sa napabalitang kumpirmasyon ng relasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Huwebes, binasa ng host na si Tito Boy ang pahayag ng Sparkle actress, at isa sa mga bida sa upcoming Kapuso series na "Mga Lihim ni Urduja."

"I'm happy that everyone's happy," ayon kay Kylie.

Matatandaan na naging usap-usap ang pagkakamabutihan nina Aljur at AJ matapos naman na maghiwalay sina Aljur at Kylie.

Itinanggi noon ni AJ na siya ang third party na dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa.

Nitong nagdaang Valentine's Day, kapuwa nag-post sa Instagram ng kanilang larawan na magkasama sina Aljur at AJ.

Sa larawan na ipinost ni AJ, nilagyan niya ito ng caption na, "I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally."—FRJ, GMA Integrated News