Inilabas na ng Miss Universe Philippines ang 40 kandidata na maglalaban-laban para sa korona ngayong 2023 pageant.

Kabilang sa mga pasok ay mga dati nang sumabak sa iba't ibang beauty pageant tulad nina Miss Universe Philippines 2022 Tourism Michelle Dee, Miss Universe Philippines 2022 Charity Pauline Amelinckx, Miss Grand International Philippines 2021 Samantha Panlilio, at Miss Global Philippines 2018 Mary Eileen Gonzales.

"It's time to write a new story," saad ni Michelle sa kaniyang Instagram Reel matapos ianunsyo ang mga nakapasok sa top 40 ng Miss Universe Philippines.

Silipin sa gallery ang larawan ng mga kandidata:

 

 

—FRJ, GMA Integrated News