Inihayag ni Ina Raymundo ang kaniyang pagiging proud na "hot" mama, at sinabi sa mga anak na wala siyang babaguhin sa kaniyang pagiging isang hindi tipikal na ina.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, hiningian ng reaksyon si Ina tungkol sa mga pagkakataon na nakaririnig ang kaniyang mga anak ng mga komentong "Your mom is so hot!"

"I think sa panahon ni Erika and Jakob, siguro they felt uncomfortable at that time. Siyempre ang mga age nila na 13, 14, 15 medyo may angst sila, so hindi nila ma-accept. I remember Jakob told me one time 'I wish you were a normal mom.' But he was at that age where he was angsty... he felt disturbed about that," kuwento ni Ina.

Pero para kay Ina, walang dapat ikabahala rito, dahil kakaiba siyang ina.

"Sabi ko, 'No, this is me. I'm not your typical mom. I'm really not your typical mom. And I wish I could influence those moms to be not typical."

Kalaunan, natanggap din ng kaniyang mga anak ang pagiging cool at sexy ni Ina.

"Now naman sinabi niya 'You're the coolest mom ever. So nagbabago 'yung mindset nila. Even Erika, mas na-gets na niya na 'I have a cool mom.' And 'I want you to be like that too when you become a mom,'" kuwento ni Ina tungkol sa kaniyang mga anak.

Konsepto ng pagiging sexy

Samantala, inilahad ni Ina na nagbago na ang kaniyang pananaw tungkol sa pagiging sexy noong 1990s, ang panahon ng pag-usbong ng kaniyang career, kumpara sa panahon ngayon.

"I think nag-evolve siya. Kasi noong 90s ipakita mo lang ang cleavage mo sexy ka na eh. But now, kailangang ipakita mo ang abs mo, or kailangan you have to be fit. I think now, when people see you as fit, they consider you as sexy."

"Kasi noong 90s hindi nag-wowork out ang mga tao masyado," dagdag niya.

Isa raw sa mga hinahangaan ni Ina sa pagiging sexy si Lovi Poe.

"Like si Lovi Poe, 'yung abs niya? Oh my gosh pamatay talaga! She's so sexy, right? So I think when you are fit you are sexy," anang model-actress.

Kahit makikita ang kaniyang ageless beauty sa edad 47, inamin ni Ina na mayroon pa rin siyang insecurities.

"I have stretch marks. Kulang ako sa confidence to show it because I think I need a tummy tuck to really, really stretch it. But hindi pa ako ganoon ka-vain kasi natatakot akong magpaopera." —VBL, GMA Integrated News