Malaki ang pasasalamat nina Mike “Pekto” Nacua at ng kaniyang asawa nang pagkalooban sila ng anak na babae matapos maghintay ng 10 taon.

Sa panayam sa kaniya ng online talk show na “Just In,” inilahad ni Pekto na edad 28 na ang panganay niyang anak, 25 ang pangalawa, at 19 ang pangatlo nilang anak.

“‘Yung youngest ko, talagang ang layo ng agwat noon, 10 years!” sabi ni Pekto.

“Hindi na namin alam na magkakaanak pa kami. Gusto ng wife ko magkaroon siya ng anak na babae, pero nauwi na lang sa pangarap ‘yun eh dahil, wala eh. Sabi ko, okay na tatlo,” dagdag pa ng Kapuso comedian.

Ngunit sa kabutihang palad, biniyayaan pa sina Pekto at ang kaniyang asawa ng pang-apat na anak at sa pagkakataong ito, natupad ang kanilang hiling.

“Eh bigla siyang nabuntis. Noong ipina-ultrasound, babae ‘yung ultrasound. Tuwang tuwa ‘yung wife ko! ‘Woohoo!’”

Sa kaniyang Instagram, makikita ang ilan sa bonding moments nina Pekto at ng kaniyang babaeng anak na si Mikhaela.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pekto (@pekto_)

 

—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News