Tatlo ang patay kabilang ang isang buntis matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang pampasaherong bus sa Tagum, Davao del Norte.

Sa ulat ng “24 Oras” nitong Biyernes, ayon sa Tagum Police, mabilis ang takbo ng van at hindi na nakaiwas sa bus.

Sa lakas ng impact ay tumagilid ang van at nawalan ng kontrol ang bus.

Samantala, sa Bang-gi, Ilocos Norte naman, na-huli cam ang salpukan ng isang van at pampasaherong bus.

Base sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng van sa pakurbadang bahagi ng kalsada.

Namatay ang isa sa mga sakay ng van habang sugatan naman ang iba. Sugatan din ang driver ng bus, habang ligtas ang kalagayan ng kanyang mga pasahero.—Sherylin Untalan/LDF, GMA Integrated News