Ipinalabas na ang full trailer ng series na “Unbreak My Heart,” na historic collaboration ng Kapuso Network, ABS-CBN at Viu Philippines.
 
Sa naturang romantic drama series, ipinakilala si Rose, ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, na lumipad pa-Switzerland para hanapin ang kaniyang anak na si Sandra.
 
Si Gabbi Garcia naman ay si Alex, na tinanggihan ng kaniyang boyfriend matapos mag-propose ng kasal.
 
Pareho nilang matatagpuan ang karakter ni Joshua Garcia, na nakararanas ng mga isyu sa pamilya at pera.
 
Ang karakter naman ni Richard Yap ay bahagi ng nakaraan ni Rose.
 
Kasama sa cast sina Eula Valdez, Sunshine Cruz, Laurice Guillen, Jeremiah Lisbo, Will Ashley at Maey Bautista.
 
May advance streaming ang “Unbreak My Heart” sa Mayo 27, 9 p.m. sa gmanetwork.com, iWantTFC at Viu.
 
Ipalalabas naman ito mula Lunes hanggang Huwebes simula Mayo 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ng 9:35 p.m. at 11:25 p.m. sa GTV. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News