Para kay Julie Anne San Jose, mahihirapan siya kung mawala sa kaniyang buhay si Rayver Cruz.

“I think it would be hard. Kasi matagal ko na ring kilala si Ray. I don’t see him just as a partner but also my best friend,” sabi ni Julie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

“He’s someone I can count on ‘pag may problems ako. Kumbaga best friend ko talaga siya, lahat sinasabi ko sa kaniya. He knows everything about me, what I’m going through, and kung ano ‘yung ups and downs,” pagpapatuloy pa ng Asia’s Limitless Star.

“It's hard to live without someone na talagang sobrang special sa ‘yo, tapos ‘yung talagang kinakapitan mo sa lahat ng bagay,” saad ni Julie.

Sa “Fast Talk” segment, sinabi ni Julie na ang pinakauna nilang date ni Rayver ang most memorable date niya sa binata.

Kung may kanta siya para rito, ito ang kantang “Pag-ibig Na Kaya.”

Matatandaang naging panauhin na rin sina Julie Anne at Rayver sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Marso.

Inihayag ni Julie na "importante" sa kaniyang buhay at "mahal" niya si Rayver samantalang ang binata, ipinagtapat din ang nararamdaman sa dalaga. --FRJ, GMA Integrated News