Ipinagtanggol ni Chito Miranda ang kaniyang asawa na si Neri Naig matapos makatanggap ng mga puna kasunod ng ibinahaging P1,000 weekly meal  plan na tinawag ng ilang netizens na "out of touch" at "unrealistic."

Sa Instagram post nitong Biyernes, sinabi ni Chito na, "It was mostly for fun, but she also thought that it can be useful for those who might want to use it as a guide."

Ayon sa Parokya ni Edgar vocalist, ninais ni Neri na gumawa ng P1,000 meal plan makaraang pumatok ang nauna nitong ginawa na P2,000 meal plan.

Sabi ni Chito, "it was intended for those who already knew what she was doing, she made the crucial mistake of not filling in the details."

“It was soon picked up by those who knew nothing of what she was doing, and was instantly bashed for it,” dagdag niya.

Sabi pa ng singer, "Naisip lang naman ng asawa ko na baka sakaling makatulong yung meal plan nya sa mga tao that might find it useful, na-bash pa sya ng mga taong hindi naman nakasubaybay kung bakit ginagawa nya yung meal plan.”

“What a cruel, cruel world,” patuloy ni Chito.

May hirit din si Chito sa mga basher, “For those who got angry and threw stones without knowing the details of what she was doing, good job sa inyo.”

Nitong nakaraang linggo, nag-upload si Neri ng sample weekly meal plan na umani ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens. May mga nagsabi na imposible ang meal plan at tinawag pa ng iba na "out of touch" at "unrealistic."

Kasama sa weekly plan ang iba't ibang mungkahi ng almusal at tanghalian. Habang ang hapunan ay “leftovers” na nakasaad sa listahan.

 

 

Gaya halimbawa ng lugaw with a boiled egg sa almusal, pork sinigang sa tanghalin, at leftover na sa hapunan.

Nakasaad din ang “palengke list” na may protein, vegetables, at grains/starches.

Inalis na Neri ang kontrobersiyal na meal plan.

Ayon kay Chito, "she will make it more detailed for those who do not fully understand what she was doing." --FRJ, GMA Integrated News