Mapapanood si Liza Soberano sa susunod na season ng South Korean online show  na "Hwaiting," kasama ang dating Momoland member na si Nancy.

Inanunsyo ng Dive Studios nitong Martes, November 21, na kabilang sa Liza fourth season ng nasabing online show.

“Your favorite show is BACK! Get ready for the most exciting season of HWAITING yet!” saad ng Dive Studios.

Makakasama ni Liza sina Eric Nam, The Boyz’s Kevin and Jacob, ASTRO’s Jinjin, at ang dating Momoland member na si Nancy.

 

 

Sa Instagram, hindi itinago ni Liza ang kaniyang excitement sa upcoming project.

“Had so much fun filming this. Excited for everyone to see it,” saad ni Liza sa Instagram story.

Itinatampok sa "Hwaiting" ang iba't ibang K-Pop stars na maglalaban-laban sa mga palaro.

Nitong nakaraang Abril, itinampok si Liza sa Get Real podcast na host ang Dive Studios. Tinalakay dito ni Liza ang tungkol sa paggastos at paglaban sa stress.

Kasalukuyang kumukuha ng Korean language lessons si Liza bilang paghahanda niya sa pagpasok sa Korean entertainment industry.— FRJ, GMA Integrated News