Inilahad ni Park Hyung Sik na nakararamdam siya ng kaba sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas para sa kaniyang "SIKcret Time" fan meet.

Sa kabila ng nararamdamang kaba, tiniyak naman ng South Korean actor at singer na pinaghandaan niya ang kaniyang fan meet, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa GTV Balitanghali.

Ayon kay Hyung Sik, miss na niya ang Pinoy fans na kaniyang makikita sa Pebrero 17 para sa “SIKcret Time in Manila.”

Bukod sa fan meet, hindi niya niya raw palalampasin ang pagkakataong makapag-scuba diving at fishing sa Pilipinas.

Inilahad ni Hyung Sik ang kaniyang goals ngayong 2024.

“To finish my fan meeting successfully, and if there’s any given opportunity I would like to showcase myself more to you guys through more projects,” sabi niya.

Nakatakdang bumida si Hyung-sik sa upcoming K-Drama na "Doctor Slump," na ipalalabas sa Enero 27.

Napanood din si Hyung Sik sa ilan pang series tulad ng “Strong Girl Bong-soon” (2017) at “Strong Girl Nam-soon” (2023).--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News