Dahil politiko ang kaniyang asawa na si Senador Chiz Escudero, tinanong si Heart Evangelista kung may plano rin ba siyang pasukin ang mundo ng pulitika ng kaniyang mister.

“Would you get into politics?” tanong ni Boy Abunda kay Heart sa ikalawang episode ng panayam sa mag-asawa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.

“No, never,” tugon ni Heart. “For me, what I do is, I feel like it's already in a sense soft power. Why do I need that kind of power when I can already make a difference with what I'm doing today? And it's my money pa if you want to help So I'm okay.”

“And my points in heaven is much more important than what people see here,” patuloy ng Kapuso fashion icon.

Tinanong din ni Tito Boy si Chiz kung tatawid siya sa mundo ng fashion ng kaniyang misis.

“No. Mahirap mag-awra Boy ha,” biro ni Senator Chiz.

“‘Yung maglalakad ka na may confidence ka tapos iisipin mo na nakatingin sa ‘yo ang lahat na wala naman? Ang hirap nu’n ha. Tapos papanindigan mo? Ang hirap nu’n,” pagpapatuloy ng senador, na sinabing tama na sa kaniya ang pagsuporta sa asawa.

Ayon sa senador, nakikita niya ang sarili na posible nang magretiro sa 2028 o 2034.

“Mas maganda mabuhay nang normal at mag-enjoy ng buhay na hindi naka-wheel chair. ‘Yung nakakalakad ka pa, kaysa naman ‘yung naka-wheel chair ka na, nagtatrabaho ka pa rin, ‘yung ginagawa mo ang dati pa rin,” paliwanag niya.

“It's something I have to face either in 2028 or in 2034. Those are the only two choices,” dagdag pa ng senador.

Si Heart naman, hindi magreretiro sa kaniyang fashion world.

“For me dressing up and this whole DNA of fashion and all of that, I never thought of it as a job, I never dressed for anybody. And I never dressed to impress or to earn money So I don't think it's a job,” saad niya.

“And I will never retire from this,” pagpapatuloy ni Heart.-- FRJ, GMA Integrated News