Nagsama-sama ang ilang cast ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa 28th birthday party ni Kathryn Bernardo sa Palawan.

Sa post ni Lovely Abella sa Instagram, makikita na kabilang sa mga celebrity na dumalo sa party sina Alden Richards, Maymay Entrata, at Kakai Bautista.

"My Ga namin!! Happy birthday we love you so much!! @bernardokath," saad ni Lovely sa caption.

Kuha ang larawan sa yacht party ni Kathryn sa Isla Amara, isang beach resort sa El Nido.

 

 

Nasa party rin sina Joshua Garcia, Jericho Rosales, at Dominic Roque.

Una rito, binati ni Daniel Padilla ang kaniyang ex-girlfriend na si Kathryn sa kaarawan nito kahit naghiwalay na sila noong nakaraang Nobyembre.

Kamakailan lang, inanunsyo na si Kathryn ang unang Filipino ambassador ng French luxury perfumes and cosmetic house na Lancôme.   — FRJ, GMA Integrated News