Nag-collab sa kani-kanilang vlog sina Barbie Forteza at Kim Chiu at napag-usapan nila ang willingness nilang magsama sa isang movie project. Ano naman kaya ang tema ng pelikula na bagay sa kanila?

Sa naturang vlog, may questions and answers ang dalawang aktres kung saan natalakay nila ang kanilang personal buhay at tungkol sa kanilang career.

Nang tanungin ni Kapuso actress ang "It's Showtime" host sa posibilidad na magsama sila sa isang proyekto, masayang nagpahayag na game ang dalawa.

"Naiisip ko puwede nating gawin since marami tayong energy gusto ko like gumawa tayo ng nakakatawang pelikula," ayon kay Kim. "Funny na magkapatid na baliwan na magkaaway pero nag-reconcile."

Inihayag din ng dalawa na pareho silang energetic na hindi tumanggi sa trabaho.

“Tayo magre-refuse?” Then they said in unison, “No!,” natatawang sabi ni Barbie.

“Kaya lagi niyo po kami nakikita! We are the yes girls,” deklara naman ni Kim.

Bagaman hindi morning person si Barbie, sinabi ng kaya naman niyang magtrabaho sa umaga.

“Siguro ‘pag di lang appropriate ‘yung material, ‘yung parang, ‘hindi ko pa to gagawin at this moment’,” saad niya.

Nabanggit din ni Barbie na mabilis siyang makapag-move on kaya tinanong niya rito si Kim na natatawang nagsabing,  "Oo mabilis ako mag move on. Ano ba yon? Áno ba tanong?"

Nang magbato naman ng tanong ulit si Kim kay Barbie kung ano ang mas masakit: romantic breakup o friendship breakup? Hindi nakapagsalita ang Kapuso actress dahil hindi alam na para sa kaniya ang tanong.

"Ang tagal ng pause, nakakainis," natatawang pansin ni Kim.

"Ang saya ng buong vlog, sobrang fun, walang pressure. Hindi ko nga alam kung nagkakaintindihan kami kasi apiran lang kami ng apiran, hampasan lang kami nang hampasan," sabi ni Kim sa Chika Minute report sa GMA News "24 Ora" nitong Lunes.

Samantala, mapapanood na sa GMA 7 simula sa April 6 ang noontime show na "It's Showtime."-- FRJ, GMA Integrated News