Ikinuwento ni Desiree del Valle na tinotoo niya ang kaniyang sampal kay Paolo Contis noong minsang magkagalit sila sa taping ng kanilang 90s drama series na "Tabing Ilog." Kaya naman ang aktor, humiling ng cut sa eksena.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, kinumpirma ni Desiree na nanligaw sa kaniya si Paolo, na kaniya ring ka-love team.

Kinumpirma rin ng aktres na nagkaroon sila ng hidwaan noon ni Paolo sa set.

"Hindi talaga, hindi kami nag-uusap. Magkaaway kami," paglalahad ni Desiree.

Dahil dito, napalakas si Desiree ng sampal niya noon kay Paolo, kaya nagpa-cut ang aktor.

"Tapos ang ganda nga eh kasi there was actually a scene that we were fighting as Corrinne and Badong, so I slapped him and sobrang ang sakit. Nagpa-cut siya. Sabi niya, ‘Cut, cut,’ kasi sobrang sakit daw ng sampal ko, hindi niya kinaya,” ani Desiree.

Tinotoo raw ito ni Desiree.

“Oo, kasi magkagalit kami eh” saad ng aktres.

Ngunit ngayon "very much" na okay na sila ni Paolo at nagkabati rin sila matapos ang "Tabing Ilog."

Nagkatrabaho pa sila matapos ang series.

“So, we were okay. May girlfriend siya no’n, ako, I was single, but you know, we did our job as actors,” saad niya.

Kasama nina Desiree at Paolo sa "Tabing Ilog" sina Patrick Garcia, John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria, Paula Peralejo, at marami pang iba.

Nakatakda namang bumida si Desiree sa “Mga Batang Riles” kasama sina Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon. Mapanonood ito sa Enero 2025.—LDF, GMA Integrated News