Kalunos-lunos ang sinapit ng nasa anim na mga aso, na patay na nang matagpuang nakahandusay at bumubula ang bibig sa gilid ng kalsada ng subdivision matapos umanong lasunin sa Santa Barbara, Iloilo.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, inilahad ng homeowners association ng subdivision na dati nang inirereklamo ang pagdumi ng mga asong gala at panghahabol ng mga ito sa mga rider.

Gayunman, hindi nila palalampasin ang paglason sa mga ito.

Inalmahan ng ilang animal welfare group ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod nito. —Jamil Santos/VBL GMA News