Evicted na sina Nicole Fortuna at Cianne Dominguez sa "Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0."

Sa episode nitong Sabado, ipinakita na nakakuha sina Nicole at Cianne ng lowest percentage of votes to save na may 23.92% at 3.98%, ayon sa pagkakasunod.

Safe naman ang iba pang mga nominado na sina Primo Alterado, Nathan Garcia, Raheel Bhyria, at Bela Arcal, mula sa eviction nitong linggo.

Sa second nomination, nanguna si Raheel sa mga nominado na may walong puntos para sa Kapuso housemates, habang nakakuha sina Bela at Nicole ng limang puntos at dalawang points, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig ng Kapamilya, si Primo ang nakakuha ng pinakamataas na puntos na may 12 habang sina Cianne at Nathan ay nakakuha ng tig-dalawang puntos.

Samantala, ligtas sina Lans Nagal at Jeo Ong sa nominasyon matapos manalo sa Ligtask Challenge.

Una nang natanggal sina Ethan Benares at Calix Esguerra bilang housemates noong nakaraang Sabado.

Samantala, pumasok sina Allen Ansay, Ronnie Pasamba, Daniela Stranner, at Lorelaine Sañosa sa PBB bilang pinakabagong karagdagang mga housemate.

Ipinalabas ang "PBB: Collab 3.0" noong Oktubre 24. Mapapanood ang reality series sa GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:35 p.m., Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 4:55 p.m. —Jamil Santos/VBL GMA News