Naglabas ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center ilang araw magtapos kumpirmahin ni Jackie Forster na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kobe Paras kay Kyline Alcantara.Naka-post ang naturang pahayag sa official social media pages ng Sparkle, na ibinalita rin sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.Ayon sa pahayag ng Sparkle, nais na ni Kyline na mag-move on mula sa isyu tungkol kay Kobe."Kyline would like to move on with this issue. She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life. She hopes we can all move on and put this issue to rest," saad sa pahayag ng Sparkle.Nitong Linggo nang mag-post si Jackie ng pahayag sa social media at kinumpirma ang hiwalayan ng dalawa.Nagsimula umanong magkalabuan ang dalawa noong Enero matapos na manggaling sa kanilang bakasyon sa Amerika.Ipinagtanggol din ni Jackie ang kaniyang anak mula sa mga alegasyon ng pagtataksil."I'm confused as to why Kyline and the people on her side are allowing Kobe to look like he's a cheater, and she just wants to keep quiet to protect her own peace," ani Jackie. -- FRJ, GMA Integrated News