Makakakuha ang duo nina Charlie Fleming at Esnyr ng 300,000 na dagdag na boto matapos na sila ang pangalawang nananalo sa Million Votes Challenge sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode nitong Biyernes, ipinakita ang pagsabak ng Big Four duos sa isang challenge na kailangan nilang maitawid ang 10 tower pieces mula sa isang rope obstacle.

Kapag naitawid na sila, kailangan naman nilang gumawa ng dalawang towers sa kani-kanilang puwesto. Kapag may bumagsak, kailangan nilang ulitin ang proseso.

Ang CharEs ang unang nakakompleto sa challenge, na sinundan ng BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca), na nakakuha ng 150,000 extra votes.

Ang team RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley) pumangatlo na may 90,000 extra votes, habang ang AzVer (AZ Martinez and River Joseph) ang pinakahuli na may 60,000 extra votes.

Una rito, sina Mika at Brent ang unang nanalo sa Million Votes Challenge na nakatanggap din ng 200,000 votes.

Gaganapin ang Big Night sa Sabado, July 5, sa New Frontier Theater. Naipamahagi na ang libreng tickets sa mga pamilya, kaibigan at supporters ng mga housemate. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News