Naintriga ang netizens matapos makita si Barbie Forteza sa reunion dinner ng kaniyang on-screen partner na si David Licauco at ni Dustin Yu.Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, nagkuwento si David tungkol sa mga eksena sa likod nito.“Kasi galing kami sa GMA, kasi we had a shoot for the Station ID, And then ‘yun, after that, I invited Dustin na magkita nga kami, so doon kami sa isang restaurant sa Tomas Morato,” sabi ni David.Ayon kay David, nagkataong naroon din si Barbie.“And ‘yun, to my surprise, andu'n din si Barbie. Nagkataon lang na nando’n siya,” anang Pambansang Ginoo.Matatandaang nag-dinner sina David at Dustin, ilang araw matapos ang eviction ni Dustin at ka-duo nitong si Bianca De Vera sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."Ipinagdiwang ni David kamakailan ang kaniyang ika-31 kaarawan at ika-isang dekada sa showbiz.Sinamahan si David ng daan-daan niyang fans sa pagdiriwang."I think 'yung connections, the people you meet along the way. Dito sa showbiz alam naman natin na marami ka talagang mami-meet na iba-ibang tao at kung paano mo sila pakikisamahan," sabi niya tungkol sa kaniyang mga natutunan sa mga nagdaang panahon."Siguro 'yung hardwork. For a person to reach his goals, kailangan talaga 'yung hardwork. And sa showbiz alam naman natin na it's a long journey." —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News