Ibinahagi ni Rico Blanco na minsan na ring sumagi sa isip niya na baka ang pagiging single ang mas makabubuti sa kaniya. Nagbago na kaya ang pananaw niyang ito? Alamin.
“There was a time where I resigned na, I knew that being single was the best thing set up for me. But that was a long time ago,” pagbahagi ni Rico sa nakaraang pagbisita niya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Hanggang sa… “And then I had a relationship after that.”
At sa kabila ng mga pinagdaanan niyang mga relasyon na nauwi sa hiwalayan, nananatili raw siyang bukas sa pagpapakasal.
“Right now, I'm single but I'm open to not being single,” sabi niya, na idinagdag na may paggalang siya sa mga kakilala niyang single.
Inilahad ni Rico ang pinaka-importanteng leksiyong naatutuhan niya sa pag-ibig.
“Siguro ibigay mo pa rin lahat. Kasi kahit anong mangyari, Tito Boy, there'll be no regrets afterwards, right?”
Dahil dito, nagsegundong tanong si Tito Boy kung bukas pa si Rico sa pagpapakasal.
“Still a possibility for me,” sabi ni Rico. “But I suppose it has to be with the right person because I'm at the age where I don't have to get married. I understand for some people, they have to get married. Right now, I don't have to get married so if I will get married, it has to be with the right person.”
Ayon pa sa kaniya, hindi naman siya pini-pressure ng kaniyang pamilya tungkol dito.
“Maybe because they also seen I've been trying naman eh. It's not like they see me not trying. So they've seen me in relationships trying each time and being broken each time it doesn't work,” dagdag niya.
Bilang partner
Paglalarawan ni Rico, sensitibo siya pagdating sa pagmamahal sa partner.
“Pisces ako eh. Medyo sensitive. More sa feels. In love-bin ako eh, parang gano'n… Romantic ‘yung ideal ko eh. Kung paano dapat ‘yung mga bagay-bagay,” sabi ng Rivermaya singer.
Sa edad na 53, sinabi ni Rico na marami pa rin siyang kailangang malaman pagdating sa pag-ibig.
“Feeling ko marami na. Pero feeling ko marami pa akong matututunan. Especially in the past few years, talagang past couple of years. Medyo nagtatanong-tanong pa rin ako,” lahad niya.
Ayon kay Rico, natutuhan niya na may kaniya-kaniyang oras o prioridad ang bawat tao, na minsang nagiging dahilan kung bakit hindi gumagana ang relasyon.
“I thought before that if you found someone who you really love and they really loved you too, that was enough. No. There's other stuff like where you are in life, where the other person is in their life. And ‘yung timings niyo, ‘yung timetables, ‘yung edad mo, ‘yung edad ng tao,” paliwanag niya.
“Medyo siguro naive ako dati. O hindi ko alam, ganu’n ba dapat? That's what I'm trying to find out. Baka napunta rin ako sa masyadong opposite end. Hindi lang ‘yun lahat. That I need to relax that observation also,” pagpapatuloy ni Rico.
Dahil dito, sinabi niyang umiyak na rin siya nang dahil sa pag-ibig.
-- FRJ GMA News
