Pumanaw na sa edad na 80 ang tinaguriang “Queen of Country Music” na si Dolly Parton.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing kinumpirma ng pamilya ang malungkot na balita sa kanilang official social media accounts.

Sinariwa nila ang mga alaala at tagumpay sa buhay ni Dolly.

Sinabi nila na, “She will always love you,” na hango sa timeless masterpiece ng singer na “I Will Always Love You.”

Ilan pa sa classic songs ni Dolly ang "Coat of Many Colors," at "Jolene," Isa siya sa best-selling female artists of all time, na nakapagbenta ng may mahigit 100 million records.

Nagkamit din siya ng 11 Grammy awards, pati na ang Lifetime Achievement Award.

Naging host din siya ng isang TV variety show, bumida sa mga pelikula, at gumawa ng theme park na “Dollywood,” na sikat na pasyalan sa kaniyang home state na Tennessee.

Nagluluksa rin sa kaniyang pagpanaw ang ilang Hollywood icons, tulad ng country music star na si Reba McEntire, na nagsabing mahalaga ang ambag ni Dolly sa music scenes.

Inilarawan naman ni Blake Shelton si Dolly na funniest, most loving at caring person.

Tinawag naman ni Carrie Underwood si Dolly na “epitome of faith, grace, talent, beauty and humor.”

Nagluluksa rin sa pagpanaw ni Dolly si Celine Dion, na sinabing may mabuting puso at mapagbigay ang namayapang mang-aawit.

Iniutos naman ni US President Donald Trump na i-half-staff ang kanilang mga watawat bilang pag-alaala kay Dolly, na kinilala niyang isa sa greatest country singers. – FRJ GMA News