Hindi na lang sikat sa larangan ng pop music, kundi kilala na rin sa sports ang miyembro ng BTS na si Suga matapos siyang tanghaling bagong ambassador ng National Basketball Association (NBA).

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Biyernes, sinabing isang certified basketball fan si Suga, kaya isang malaking karangalan sa kaniya na gawing NBA ambassador.

“Music and basketball have been shared passions of mine since my youth, and it’s a dream to be named an NBA Ambassador,” sabi ni Suga sa isang pahayag.

Kaya naman aasahan pa ang mas madalas na pagdalo ni Suga sa mga game at event ng basketball league sa US at Asia.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News