Namatay sa COVID-19 ang isang tauhan ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah, ayon kay Labor Attaché Nasser Munder.

Sa ekslusibong panayam ng GMA News kay Munder nitong Martes, kinumpirma ng foreign official na namatay ang kanilang staff nitong Lunes ng gabi sa isang ospital sa Makkah kung saan apat na araw ding naka-confine ang biktima matapos makitaan ng symptoms ng coronavirus.

Ang namatay na tauhan ng POLO-Jeddah ay nagtatrabaho bilang translator.

"Isa siyang translator, initially nag-negative siya sa swab test ,pero lately nagkaroon siya ng symptoms until such time na hindi na naka-recover," pahayag ni Munder.

Meron din daw sila dalawa pang staff na kaparehas ng nangyari sa namatay, na kasama niyang nagpositibo pero nakarekober naman na daw ayon pa kay Munder.

"Apat na araw syang na-confine at namatay siya kagabi [Lunes] around 11 o' clock," ayon Kay Munder.

Dahil sa nangyari sinabi ni Munder na pansamantala nilang isasara ang opisina ng POLO mula sa araw na eto [Martes] hanggang sa unang linggo ng Agosto upang muling ma-disinfect at ma siguro ang kaligtasan ng mga nagpupunta na mga OFW sa kanilang opisina at maging ng kanilang mga tauhan.

Tuloy-tuloy pa rin naman daw sng pagbibigay nila ng $200 na financial assistance sa mga OFW na nasa kanilang pangangalaga, phayag ni Munder.

Nilagyan na rin ng protection ang bawat lamesa ng mga kawani ng POLO na tumatanggap ng mga OFW na Humihingi ng tulong sa kanila, dagdag pa niya.  —LBG, GMA News