Saan mang dako ng mundo, may makikitang Pilipino. Kahit pa sa mga bansa na hindi masyadong kilala katulad ng Equitorial Guinea na nasa kanlurang bahagi ng Africa.

Sa programang "iJuander," ipinakilala si Rowell Francisco, na nagtatrabaho at nakatira sa siyudad ng Bata sa Equitorial Guinea.

Bukod sa kaniyang trabaho doon, pinasok din ni Rowell pagba-vlog upang ibahagi niya ang magagandang tanawin at masasarap na pagkain sa lugar.

Pero bukod sa mga lugar at pagkain, ipinakita rin ni Rowell ang pagiging masayahin ng mga tao na kaniyang pinakikisamahan at tinutulungan dahil sa magandang pagtanggap sa kaniya bilang isang dayuhan.

Panoorin sa video na ito ng "iJuander" ang kaniyang kuwento. --FRJ, GMA News