Isang driver ang nabigla matapos may lumabas na ahas sa hood ng kaniyang kotse habang nagmamaneho sa Imus, Cavite.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, isinalaysay ng driver na kinabahan siya na maaaring makapasok ang ahas sa sasakyan.
Ilang saglit na nagpagapang-gapang ang ahas sa windshield habang umaandar ang kotse.
Kalaunan, tumalon ang ahas at tinangay ng malakas na hangin. —Jamil Santos/VBL GMA News
