Isang chief tanod sa bayan ng New Washington sa Aklan ang inireklamo ng panghahalay umano sa isang 13-anyos na dalagita. Ang krimen na itinatanggi ng suspek, nangyari umano sa loob ng banyo ng isang barangay hall.
Sa ulat ni Darwin Tapayan ng Super Radyo Kalibo sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, inihayag ng pamilya ng dalagita na naiwan noon ang biktima sa kustodiya ng tanod dahil magpapa-blotter tungkol sa isang insidente.
Pero kinalaunan, natuklasan ng pamilya ang sinapit ng biktima sa kamay ng suspek, at nadiskubre rin sa kuha ng CCTV camera sa barangay hall.
Pinagbantaan pa umano ng suspek ang biktima na papatayin kapag nagsumbong.
Ayon pa sa ulat, kumalat din ang video nito sa isang group chat bago ipinabura ng local social welfare department.
Sa kabila ng akusasyon, mariing itinanggi ng chief tanod ang paratang laban sa kaniya.
Patuloy na gumugulong imbestigasyon at paghahanda sa reklamong isasampa laban sa suspek
Nanawagan naman ng hustiya ang pamilya ng dalagita dahil sa sinapit nito.
Isang punong tanod sa bayan ng New Washington sa Aklan, inireklamo matapos umano nitong halayin ang isang 13 taong gulang na babae sa loob mismo ng palikuran ng kanilang barangay hall. | via Darwin Tapayan, Super Radyo Kalibo https://t.co/IWC1tkpbLx
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 18, 2026
– FRJ GMA News

