Natagpuan ang bangkay ng isang babaeng binalatan ang mukha at wala nang suot na pang-ibaba sa isang bakanteng lote sa Lapu-Lapu City, ayon sa ulat ni Norman Mendoza sa Super Radyo dzBB nitong Lunes.

 

 

Nakita ang bangkay ni Christine Silawan, 16-anyos, kolektor ng mga handog sa isang simbahan, nitong Lunes ng umaga sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay sa Barangay Bankal.

Binalatan ang mukha at hindi na makikilala ang biktima dahil nakahantad na ang kaniyang bungo.

Bukod pa rito, ginilitan din ang biktima at may mga saksak na hinihinalang ginamitan ng ice pick.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng ginahasa rin ang biktima dahil sa wala na siyang suot na pang-ibaba nang matagpuan.

Hindi pa nakikila ang nasa likod ng pagpatay sa biktima, pero ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, maaaring mga adik umano ang gumawa ng karumal-dumalo na krimen.-- FRJ, GMA News