Sa kulungan ang bagsak ng construction worker na si Leonardo Andres, 47 taong gulang, na inaresto sa Claveria, Cagayan dahil umano sa pangmomolestiya sa isang batang walong taong gulang sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa pulisya, mahigit walong buwang nagtago ang suspek bago nila nadakip.

Inamin naman ng suspek ang krimen pero nagsisisi raw siya.

Kuwento niya, nakainom siya ng alak nang hawakan sa maselang bahagi ng katawan ang biktima na kanyang kapitbahay.

Humingi ang suspek ng pasensya sa pamilya ng bata. Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima. —JST, GMA News