Dalawang estudyante ang nagsuntukan sa Nabua, Camarines Sur dahil sa agawan sa upuan, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Martes.

Kita sa video ang girian ng dalawa bago tuluyang magpambuno hanggang sa kapwa sila matumba.

Kita rin sa video ang pagbalibag ng isang estudyante sa kalaban niya.

Ayon sa principal ng paaralan, nag-ugat ang away sa agawan sa upuan sa classroom at pinalala lamang ng kantiyaw ng mga kaklase.

Nasa maayos nang lagay ang dalawa. —KBK, GMA News