Isang lalaki sa Dau, Pampanga ang sugatan matapos makuryente habang nagpapalipad ng saranggola sa bubong ng kanilang bahay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Naisipan daw ng biktima na magpalipad ng saranggola dahil bagot na ito bunsod ng ipinatutupad na quarantine, ayon sa kuwento ng kaniyang kapatid.

Sumabit daw ang saranggola sa kable ng kuryente at sa lakas ng pagkakakuryente ay nahulog ang lalaki sa bubong.

Agad naman siyang nasaklolohan at nadala sa pagamutan. --KBK, GMA News