Ilang bahay at gusali ang nasira matapos manalasa ang isang buhawi sa General Santos City nitong Huwebes ng madaling araw, ayon sa ulat ng Unang Balita.

Ilang puno at poste rin ang natumba dahilan para mawalan ng kuryente ang ilang lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa buhawi.

Nagsasagawa na ng clearing operations ang mga otoridad sa lunsod. --KBK, GMA News