Isang tindera sa Talisay, Negros Occidental ang napatay sa saksak matapos daw tumangging bentahan ng alak ang mga suspek, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Tamayo, 50, habang ang dalawang suspek naman ay kinilalang sina Jason Abella at isang Alyas Tolindoy.

Nagalit daw ang mga suspek kay Tamayo matapos tumanggi itong bentahan sila ng isang boteng alak.

Kasalukuyang tinutugis na ang mga suspek. --KBK, GMA News