Nakunan ng video ang aktwal na pagsagip sa nalulunod na bata na tinatangay ng rumaragasang ilog sa Makilala, North Cotabato.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nahulog ang bata sa umapaw na New Bulatukan River at tinangay ito.

Isang lalaki naman ang agad-agad na tumalon sa ilog at sinagip ang bata.

Sira umano ang tulay patawid ng ilog kaya nahulog ang bata, ayon sa ulat. —LBG, GMA News