Inaresto ang isang 34-anyos na lalaki matapos umano nitong yakapin at hipuan sa maselang bahagi ng katawan ang isang babaeng nagja-jogging sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Alvin Avache.

Aminado naman siya sa kaniyang ginawang pagyakap sa babae pero hindi raw niya sinasadya.

Iginiit pa niyang wala pa siyang asawa.

Ayon kay Police Lieutenant Joel Jugal, Deputy Officer ng Mangalda Police station, na hindi na interesado ang biktimang dalaga na ituloy ang reklamo laban sa suspek.

Pinayuhan rin ng opisyal na publiko na laging maging alerto.--FRJ, GMA News