Sa kulungan ang bagsak ng isang contact tracer para sa COVID-19 matapos siyang mahulihan ng P50,000 halaga ng shabu sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Froilan Hamorol.

Ayon sa pulisya, nakipagtransaksiyon sa kanilang "asset" ang suspek, at nasabat sa kaniya ang ilegal na droga.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek.

Sa Bataan naman, nasabat ng Bataan Police Provincial Office ang 134 armas sa mga isinagawang magkakaibang buy-bust operation.

Napag-alamang walang mga lisensya ang mga baril, samantalang isinuko naman ang iba.

Sinabi ng Bataan PPO na hindi sila titigil sa kanilang operasyon kahit patuloy ang pandemyang dulot ng COVID-19.--Jamil Santos/FRJ, GMA News