Pumanaw na si ex-Mayor Romeo Romar Portes ng Pagbilao, Quezon makaraan ang mahigit isang linggo matapos siyang barilin noong ika-24 ng Nobyembre.

Binaril si Portes sa labas ng bahay ng kanyang anak at kaagad siyang dinala sa isang ospital sa Maynila.

Ayon sa kayang pamilya, nasa kanilang tahanan na sa Pagbilao ang mga labi ng dating alkalde.

Matatandaang naglabas ng P500,000 pabuya ang mga kaanak ng biktima sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng krimen.

Napasalamat naman si Pagbilao Mayor Sheirre Ann Portes-Palicpic, anak ng yumaong alkalde, sa  lahat ng mga nag-alala at nakiramay ka kanilang pamilya.

Pahayag ni Mayor Sherrie Ann Palicpic, "Nagpapasalamat po kami sa inyong pag aalala at pagmamahal. Masakit man na ang amin pong ama ay lumisan na. It was a good fight. Pero nais po siyang makapiling ng Poong lumikha."

Dagdag niya, "Dumating na po siya sa aming tahanan. Patuloy na panalangin para po sa aming ama, para sa aming pamilya, para sa bayan ng Pagbilao, at para sa hustisya. Maraming Salamat po.” —LBG, GMA News