Dalawang drug suspects ang patay habang sugatan naman ang isang pulis sa isang engkuwentro sa San Isidro, Nueva Ecija, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakatunog daw ang mga suspek na mga pulis ang katransaksiyon nila kaya nauwi sa barilan ang operasyon. Isang suspek ang nakatakas.

Nakuha sa crime scene ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P300,000, ilang baril at mga basyo ng bala.

Samantala, arestado ang dalawang drug suspects ang arestado sa buy-bust operation sa Taguig kung saan nakumpiska ng otoridad ang walong kilo ng hinihinalang shabu na may street value ng P54 milyon.

Nakuha rin sa mga suspek ang P1 milyong marked money.

Ayon sa pulisya, may isang buwan nang minamanmanan ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga naaresto.  —KBK, GMA News