QUEZON - Iniimbestigahan ngayon ng Polillo Municipal Police Station ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol na natagpuan sa dagat sa Barangay Sabang, Polillo, Quezon nitong Martes ng umaga. 

Nakita ng mangingisdang si Raney Dingalan ang palutang-lutang na plastic bag sa dagat.

Nagtaka raw si Randy kung kaya’t kinuha ito at isinakay sa bangka.

Laking gulat ng mangingisda nang makita na isang patay na sanggol ang laman ng plastic bag.

Agad itong ipinagbigay-alam sa kapitan ng barangay at naiparating sa himpilan ng pulisya.

Dinala ang bangkay ng sanggol sa Rural Health Office at doon na nadiskubre na bagong silang pa lamang ito.

Kasama ng sanggol sa plastic bag ang inunan at umbilical cord. 

Iniimbestigahan na upang matukoy kung sino ang nagtapon sa bagong silang na sanggol. —KG, GMA News