Nasugatan ang lima katao nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes sinabing nangyari ang aksidente sa  Barangay Abong-abong sa bayan ng Tabina.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, iniwasan ng truck ang isang motorsiklong lumipat sa kanilang lane.

Nawalan ng kontrol ang driver at nahulog sa bangin ang truck.

Tumilapon ang apat na trabahador na nasa likuran at naipit ang driver sa kanyang upuan.

Nagpapagalin na umano sa ospital ang lahat ng biktima. —LBG, GMA News