Patay ang isang 64-anyos na babaeng nagpapakain ng kanyang alagang baboy nang salpukin ng truck ang kulungan ng kanyang alaga sa Bais, Negros Oriental.

Sa ulat ng "Unang Balita," lumabas umano sa imbestigasyon ng mga pulis na nagpapakain lang noon si Milagros Juevas ng kanyang alaga.

Nawasak ang kulungan at namatay din ang baboy.

Tumakas naman at pinaghahanap na sa ngayon ang driver ng truck.

Nawalan umano ng preno ang truck, ayon sa mga awtoridad. —LBG, GMA News