Patay matapos madamay sa pamamaril ang isang 11-anyos na batang babae sa Badiangan, Iloilo, ayon sa ulat ng One Western Visayas sa Unang Balita nitong Martes.

Tinamaan ng bala sa ulo at batok ang biktima matapos pagbabarilin ang bahay ng kaniyang lolo at tiyuhin.

Ayon sa pulisya, bago ang pamamaril ay nakaaway ng mga tiyuhin ng biktima ang suspek na si April John Valle sa kalsada kung saan nabugbog si Valle.

Bagama't nagkaareglo ang magkabilang panig, hindi raw dito nakuntento si Valle kaya pinuntahan niya ang bahay ng mga nakaaway niya at pinagbabaril ito, ayon kay Lt. Col. Ma. Doreen Losaria ng Badiangan Police.

Kasama ng biktima sa bahay ang kaniyang mga pinsan ngunit siya lang ang tinamaan ng bala.

Agad namang naaresto ang suspek, na itinanggi ang paratang sa kaniya. —KBK, GMA New