Isang frontliner sa Zamboanga City ang inatake ng isang lalaking hindi niya pinadaan sa checkpoint dahil sa expired na RT-PCR result, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Pinaghahampas daw ni Bobby Daniel Maningo ang tauhan ng City Health Office na si Aldrin Suazon, dahilan para maoperahan ito.

Hindi nagbigay ng pahayag si Maningo. --KBK, GMA News