Isang bata ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang van sa Tupi, South Cotabato.

Ayon sa ulat ng GTV “Balitanghali” nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad na nawalan ng kontrol ang driver ng van sa matarik na bahagi ng kalsada hanggang sa bumulusok sa bangin.

Nadala pa sa ospital ang bata pero binawian din ng buhay.

Samantala, sugatan naman ang pito pang sakay ng van.--Ma. Angelica Garcia/FRJ, GMA News