Nasawi ang isang driver na nagpapahinga sa truck nang mahulog ang sasakyan sa ilog matapos mawalan ng balanse sa Tanza, Cavite.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, isinalaysay ng pahinante na nagbababa sila noon ng mga kargang buhangin nang may biglang pumutok sa ilalim ng truck.

Dahil dito, nawalan ng balanse ang truck kaya ito nahulog sa katabing ilog kasama ang driver na kinilalang si Ruel Ruma.

Dead on arrival ang biktima sa ospital.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA News