Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na hinalay umano ang sarili niyang anak at kapitbahay na pawang mga menor de edad sa Iligan, Lanao del Norte.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabi ng mga awtoridad na matagal nang kinatatakutan ang suspek sa lugar.

Binabantaan umano ng suspek na papatayin ang sinumang magsusumbong.

Maayos na sumuko ang salarin nang dakpin, pero mariin niyang itinanggi ang alegasyon ng panghahalay. —Jamil Santos/LBG, GMA News